Pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Pang. Duterte, sisimulan na sa Lunes

0
digong 1

Aarangkada na sa Lunes, Mayo 15 ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Congressman Rey Umali, chairman ng komite, nakapagpadala na siya ng notice sa lahat ng miyembro ng komite para sa pagdinig.

Una aniya nilang aalamin kung tama ang balangkas o porma ng impeachment case bago busisiin kung mayroon itong sapat na basehan.

Ang impeachment complaint laban sa Pangulo ay inihain ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano.

Inakusahan ni Alejano ang Pangulo ng paglabag sa saligang batas, bribery, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang high crimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *