Paggamit ng Electronic cigarattes at vaporizers, balak i-regulate ng DOH

0
eciga1

 

Bagaman hindi sakop ng Nationwide Smoking Ban, target ng Department of Health na maisailalim sa regulasyon ang paggamit ng mga electronic cigarattes at vaporizers.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, maaring maglabas na lang sila ng hiwalay na kautusan kaugnay nito tulad ng Food and Drug Administration order.

Aniya, sinimulan na ngDOH at FDA ang posibilidad ng paglalabas ng kautusan tungkol sa paggamit ng E-cigarettes at vaporizers.

Sa inilabas na advisory no. 2013-008 ng FDA, inabisuhan nila ang publiko laban sa paggamit ng E-cigarettes dahil taliwas ito sa layunin na maihinto na ang paggamit ng  sigarilyo.

Hindi naman maaring maipagbawal ang mga E-cigarettes at vapes sa Executive Order 26 ng Pangulo kaugnay ng Nationwide Smoking Ban, dahil hindi rin naman sakop ng Republic Act No. 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003 ang mga ito.

Maari aniya itong magkaroon ng problema sa legalidad dahil pawang non-tobacco products ang E-cigarettes at vapes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *