Paggamit ng Intel funds iniimbestigahan na ng Senado
Binubusisi na ngayon ng Senate Select Oversight Committee on Intelligence and Confidential Funds kung paano ginagamit ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang Intelligence Fund.
Ang komite ay pinangunguhan ni Senador Gringo Honasan
Una nang kinuwestyon ng ilang mambabatas ang mga Intelligence Unit ng AFP at PNP matapos ang magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila kamakailan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa at ikinasugat ng iba pa.
Inaalam ngayon ng mga mambabatas kung paano ginagamit ang napakalaking intel funds na inilalaan ng kongreso.
Kinukwestyon din ng mga Senador kung bakit nakakalusot ang mga terorista at paanong may nagaganap na pagpapasabog at hindi natutunugan ng intelligence agency tulad na lamang nang nangyari sa Quiapo
Pero dahil maselan ang magiging talakayan at posibleng malagay sa alanganin ang national security ng bansa, close door o executive session ang gagawing talakayan.
Ulat ni: Mean Corvera