Paghahanap sa 30 kataong nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa Indonesia pinaigting

Courtesy: Reuters
Pinaigting ngayong Biyernes ng Indonesian authorities ang kanilang search operation para sa 30 kataong nawawala matapos lumubog ang isang ferry malapit sa island ng Bali.
Ang KMP Tunu Pratama Jaya ay lumubog halos kalahating oras pagkatapos umalis sa Ketapang port sa East Java noong Miyerkoles para isang biyahe na nasa limang kilometro o tatlong milya patungo sa Gilimanuk port ng Bali.

Courtesy: Reuters
Nahinto ang search and rescue operation nitong Huwebes ng gabi, dahil sa visibility problems at ipinagpatuloy ngayong Biyernes ng umaga kasama ang mahigit sa 160 rescuers kabilang ang mga pulis at mga sundalo, ayon kay Ribut Eko Suyatno, deputy chief of operations sa National Search and Rescue Agency.
Sinabi ni Suyatno, na nagdeploy din ng tatlong helicopters at isang thermal drone upang magsagawa ng isang aerial search sa Bali Strait, habang nasa 20 vessels naman ang pinakilos para sa sea search.

Courtesy: Reuters
Dagdag pa niya, dahil maaaring magkaroon ng matataas na mga alon batay na rin sa kanilang weathe forecast, sa mga katubigan sa paligid ng Bali Strait ngayong araw, kaya nasa tatlong navy ships ang idi-deploy kapalit ng maliliit na mga bangka.
Samantala, inilabas na ng ahensiya ang pangalan ng 29 na survivors at anim na kumpirmadong namatay nitong Huwebes ng gabi. Subalit hindi pa inilabas ang pangalan ng mga nawawala, pero ayon sa passenger manifest at 30 ang nawawala.

Courtesy: Reuters
Ngayong Biyernes, ang mga nakaligtas ay sumailalim s treatment sa Jembrana Regional Hospital ng Bali, habang ang labi ng mga namatay ay ibinigay na kani-kaniyang pamilya.
Iniimbestigahan na rin ng Indonesian authorities ang sanhi ng aksidente. Sinabi ng mga nakaligtas, na tila may leak sa engine room ng ferry, na kinaroroonan ng 22 mga sasakyan na kinabibilangan ng labing-apat na trucks.