Pagkakabasura ng Kamara sa impeachment complaint vs Pang. Duterte, inaasahan na ng mga Senador

0
koko

Inaasahan na ng liderato ng Senado na maibabasura lang ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, may legal na batayan bakit ibinasura ng House Justice Committee ang reklamo laban sa Pangulo.

Naiintindihan ni Pimentel kung bakit walang nakitang sustansya ang mga kongresista sa reklamo dahil nauunawaan nila ang batas dahil mayorya sa miyembro ng komite ay mga abogado.

Paalala naman.ni Pimentel, bukod sa sapat na ebidensiya, ang pagsusulong ng impeachment ay isa ring political process.

Nangangahulugan ito na dahil marami ang kaalyado at sumusuporta sa Pangulo sa Kamara, tiyak na mababasura lamang ang anumang ihahaing reklamo laban dito.

“Dahil nakararami sa house ang mga supporters ni President Duterte, we consider that to be expected. But I’m sure, since kailangan din ng legal basis, I’m sure na meron din silang point. Meron din silang good reason why they rejected the impeachment complaint. Maybe it was not sufficient in form, mali po ang form, or maybe they found it insufficient in substance sa pagbasa nila. Sabi nila, this is not worth our time, to waste time on such a complaint for impeachment “. – Senate Pres. Pimentel

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *