Pagkakahuli ng Maute members resulta ng Martial Law declaration sa Mindanao – PNP Chief
Malaki ang pasasalamat ni Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni dela Rosa, kung walang Martial Law ay hindi mahuhuli ng PNP ang mga miyembro ng Maute group na ngayon ay naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City at nasasangkot sa rebelyon.
Aminado si dela Rosa na walang case build up noon laban sa mga Maute group kung kaya wala silang nakukuhang arrest warrant.
Dahil sa Martial Law, sinabi ni dela Rosa na empowered, emboldened at motivated na ngayon ang mga pulis na hulihin ang mga terorista.
Inihalimbawa ni dela Rosa ang mga naarestong kasapi ng Maute group na nasa Iloilo City na subalit dahil sa Martial Law ay nahabol pa rin sila ng kamay ng batas.