Pagpapalakas ng komunikasyon sa gitna ng kalamidad at sakuna, isinagawa sa Malabon City

0
Malabon

Isinagawa ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO )ang Strengthening Disaster Communication Training  (SDCT) para sa mga miyembro ng Emergency Operations Center (EOC), information officers, at team leaders na katuwang sa emergency response.

Tinalakay ni Ms. Genna Mijares ng Public Information Office (PIO) ang mahahalagang kaalaman ukol sa tamang pakikitungo sa media, epektibong paggamit ng social media, at mga estratehiyang komunikasyon sa pagitan ng PIO at MDRRMO sa panahon ng kalamidad.

Layunin ng nasabing  pagsasanay na tiyakin ang malinaw, mabilis, at wastong daloy ng impormasyon bago, habang, at pagkatapos ng sakuna para sa mas ligtas na pagresponde.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *