Pagpapatayo ng mga silid-aralan ipauubaya na sa LGUs

0

Courtesy: RTVM

Para mas mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa, ipinasa na sa national government sa mga lokal na pamahalaan ang pagtatayo nito.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngayong Miyerkoles ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA), sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at gobernador ng iba’t ibang probinsya para sa nationwide classroom building.

Sabi ng Pangulo, batay sa datos hanggang nitong Disyembre ng nakaraang taon, ay umabot na sa 145 libong units ang classroom shortage sa bansa.

Aminado ang Pangulo na mabagal ang kasalukuyang sistema, kaya nagpalit na sila ng strategy.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang DepEd ang magtatakda ng technical standards, disenyo at pondo para sa pagtatayo ng mga classroom.

Ang mga lokal na pamahalaan naman ang mangunguna sa procurement at aktwal na konstruksyon.

Una rito, sa ikalawang Congressional Commission on Education, ibinabala na pagsapit ng 2028 ay mas lalala pa ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan, dahil sa higit 50 libong classrooms ang posibleng ideklara nang “condemned,” at kailangan nang palitan.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *