Pagpasok ng Maute Group sa Marawi City kapalpakan sa intelligence ayon sa mga Senador

0
marawi1

Kapalpakan sa intelligence ang nakikitang rason ng mga Senador kaya malayang nakapasok at nakapaghasik ng karahasan sa Marawi City ang Maute Group na iniuugnay sa grupong ISIS.

Nais ni Lacson na pagpaliwanagin ang mga pulis at sundalo sa nangyaring kapalpakan.

Tila hindi na natuto ang mga awtoridad sa mga pagsalakay ng mga rebelde at bandido gaya ng nangyari sa Mamasapano kung saan walang kalaban-labang napatay ang apatnaput apat na mga miyembro ng PNP Special Action Force.

Imposibe aniya na hindi natunugan ng military o mga pulis ang gagawing pangugulo ng mga bandido.

Nais rin ni Senador Juan Miguel Zubiri na ipabusisi kung saan napupunta ang intelligence fund dahil tila paulit-ulit na nakakalusot ang mga terorista.

May hinala rin ito na nakipagsabwatan ang Maute Group sa ilang Local Government officials para maisagawa ang pag-atake.

Sa ngayon, mahalaga aniya ang paglalatag ng quick reaction protocol para hindi matigil na ang anumang planong pag-take over sa iba pang malalaking siyudad malapit sa Marawi City at mga pasilidad ng gobyerno.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *