Pagrepaso ng gobyerno sa reclamation projects contracts isinulong ng DOJ

0
REMULLA

Photo: net25.com

Naniniwala si Justice Secretary Crispin Remulla na napapanahon na repasuhin ng pamahalaan ang mga batayan sa lahat ng mga kontrata sa reclamation projects sa bansa gaya ng sa Manila Bay.

Sinabi ng kalihim na isa sa mga dapat pag-aralan ang dulot na pagbaha ng mga reklamasyon at ang pangkalahatang epekto ng mga proyekto sa buhay ng mga mamamayan at sa buong Metro Manila.

Nais din ni Remulla na makita ang integrated plans sa lahat ng reclamation projects.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na plano niyang kausapin si Environment Secretary Antonia Loyzaga ukol sa nasabing isyu.

“With all of these awards of reclamation contracts by the LGUs and the PRA [Philippine Reclamation Authority] to all of these entities when it rains, where will the water pass? If they succeed in reclaiming the whole of Manila bay saan dadaan ang tubig? Baka naman di na lalabas ang tubig sa dagat, maiiwan na lang sa atin sa loob ng Maynila, baka bahain tayo ng todo,” pahayag ng DOJ chief.

Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *