Pagrerepair sa bumagsak na transmission tower ng NGCP posibleng tumagal pa ng ilang araw
Posibleng tumagal pa ng tatlong araw bago tuluyang maibalik ang bumagsak na transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines sa Alabang.
Nauna nang nag collapse ang tower 34 nang masunog ang ilang bahay malapit sa lugar.
Sa abiso ng NGCP, sinabi ni Assistant Corporate Secretary Atty. Ronald Dylan Concepcion na naglagay na sila ng mga crane at emergency restoration system para pabilisin ang pagkukumpuni pero nade delay ang trabaho at rehabilitasyon ng Binan-Munitinlupa Line 1 and 2 dulot ng malakas na ulan sa Alabang.
“Part of NGCP’s restoration strategy includes the lifting/erection of the leaning tower using cranes and the installation of an Emergency Restoration Structure (ERS), a temporary line used to bypass an affected facility. “NGCP is employing alternative options to fast-track the tower repair. We want to make sure that apart from mobilizing our manpower and materials, we also have a viable, safe, and efficient restoration plan,” stated NGCP”. – Concepcion
Matindi ang naging damage sa mga bakal sa lower third portion at kailangan itong palitan ng bago.
Pagtiyak ni Concepcion ginagawa naman nila ang lahat ng paraan pero kailangang maglagay ng mas matibay na pundasyon para hindi na maulit ang pagbagsak ng tower.
Kasabay nito, iniimbestigahan na rin ng NGCP ang mga report na sinadya umanong sunugin ng ilang informal settlers ang tower.
Nakikipag-ugnayan na sila sa local government units para magkaroon ng dayalogo para sa relokasyon ng mga residente.
Nahihirapan silang paalisin ang mga informal settlers dahil nagde-demand ang mga ito ng kompensasyon na hindi kakayanin ng NGCP.
Paalala ni Concepcion, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay o anumang istruktura sa paligid o ilalim ng transmission line.
Sa ngayon, idinivert muna sa ibang pasilidad ang suplay ng kuryente.
Ulat ni: Mean Corvera
