Pagsabog sa Quiapo walang koneksyon sa ISIS-NCRPO
Police work on the fairground where an improvised explosive device exploded in Soler St., Quiapo, Manila, resulting to the injuries of at least 13 individuals late Friday night. ( Jun Ryan Arañas )
Mariing itinanggi ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na kasalanan o kagagawan ng grupong Islamic State in Iraq and Syria ang o ISIS ang nangyaring pagsabog sa Quiapo, Maynila noong Biyernes ng gabi na ikinasugat ng 14.
Nauna rito, inanunsyo ng ISIS sa pamamagitan ng isang News Agency na sila ang may kagagawan sa nangyaring pagpapasabog.
Agad naman itong pinabulaanan ni Albayalde at sinabing ginagamit lamang ng ISIS ang naturang oportunidad para magpasikat.
Una rito, sinabi rin ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na walang koneksyon sa terorismo ang naganap na pagsabog at ito ay isa lamang gang war.
Nanindigan naman si Albayalde na ang insidente ay isa lamang “local peace and order concern” na sangkot ang magkalabang grupo sa lugar ng Quiapo.
Ulat ni: Earlo Bringas
