Pagsakay ng maliliit na bata sa motorsiklo ipagbabawal na sa buong bansa

Ipagbabawal na ng batas ang pagsasakay o pag-angkas ng maliliit na bata sa motorsiklo lalo na sa mga national road at highway sa buong Pilipinas.
Alinsunod ito sa Children’s Safety on Motorcycles Act or Republic Act 10666, na magsisimula na ang implementasyon sa Biyernes, May 19.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Richmund de Leon ang mga bata lamang na kayang abutin ang foot peg , yumakap sa driver at may protective gear ang pwedeng sumakay sa motor basta may kasamang matanda.
Maaaring din isakay ang mga bata kapag may medical emergency situation.
Mapaparusahan naman ang mga lalabag at pagbabayarin ng P3,000 sa first offense, P5,000 sa second offense at P10,000 sa third offense na may suspensiyon pa ng driver’s license ng isang buwan.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo