Pagsalang ng nominasyon ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa CA, ipinagpaliban muna

0
mariano

Kinansela na ng Commission on Appointments ang pagtalakay sa ad interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Nakatakda sanang sumalang si Mariano sa CA sa May 24 pero hindi muna ito itutuloy.

Wala pang itinakdang petsa ang CA dahil kailangan pa munang maresolba ang inihaing resolusyon ni Senador Bam Aquino na humihiling na rebyuhin ang rule sa secret voting.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, pero posibleng matagalan pa ito dahil tatlong oposisyon ang inihain laban kay Mariano, bukod sa mga humaharang sa appointment ni Health Secretary Paulyn Ubial habang may mga kwestyon pa kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Sa June 2 mag-aadjourn na ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *