Pagtalakay ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Pang. Duterte, sisimulan na ngayong araw

0
digs2

Tiniyak ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na walang railroading na mangyayari sa pagtalakay ng kanyang komite sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Umali na bibigyan nila ng sapat na panahon si Magdalo Rep. Gary Alejano para iprisenta at ipaliwanag ng isa-isa ang mga issue at alegasyon sa kanyang impeachment complaint laban sa punong ehekutibo.

Samantala, hindi naman masabi ni Umali kung matatapos nila ngayong araw ang pagtukoy kung sufficient in form and substance ang nasabing impeachment complaint.

Alas-9:30 ng umaga  magsisimula ang pagdinig sa kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *