Pagtanggi ni Pang. Duterte sa tulong ng EU, hindi makakasama sa bansa – Pol. Analyst

0
digong2

Walang masama sa ginawang pagtanggi ni Pangulong Duterte sa ilang financial aid ng European Union.

Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni political analyst Prof. Clarita Carlos , karapatan ng Pangulo na tumanggi lalo kung may hinihinging kondisyon kapalit ng ipagkakaloob na aid ng isang bansa.

Aniya , hindi naman ito dapat ikabahala dahil tiyak na maraming bansa pa ang gustong magkaloob ng tulong sa Pilipinas.

At kung maisipan naman aniya ng mga European investor na magpull out ng investment sa Pilipinas tiyak naman aniya na may iba pang investment na papasok sa bansa.

“Kasi yung aid niyan may conditionality sabi niya magbibigay lang siya kapag nakapasa tayo sa kanilang human right criterium and ayaw ng Pangulo ng may kapalit yung ibibigay at napakaliit na aid lang yun. at ang masasabi lang natin mas marami nga silang human rights violation bakit sila magtuturo turo. kaya karapatan natin yan na di tanggapin yun at yung sila its there interest na magtinda dito dahil nakadapa ang mga ekonomiya ng europe so kung ayaw nilang mag invest dito problema nila yun ang dami namang pwedeng mag invest “. – Prof. Carlos

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *