Pagtawag ni President Xi Jinping kay Pang. Duterte inisyatiba ng China ayon sa Malakanyang
Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumawag kundi mismong si Chinese President Xi Jinping.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Ayon kay Abella itinuturing ng Malakanyang na pagkilala sa kakayahan sa liderato ni Pangulong Duterte ang ginawang pagtawag ng Presidente ng China.
Sinabi ni Abella na nasentro sa usapin sa Korean Peninsula, ASEAN summit at ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Duterte sa China sa susunod na linggo.
Inihayag ni Abella na naniniwala si President Xi Jinping na magiging key player si Pangulong Duterte sa pagpapahupa ng tensiyon sa Korean Peninsula dahil ang Pilipinas ang nag-host ng ASEAN summit ngayong taon.
Ulat ni: Vic Somintac