Pagtutok ng Media sa anti illegal drug war ng Duterte administration welcome sa Malakanyang

0
war on

Pabor ang Malakanyang sa ginagawang pagtutok ng media sa anti illegal drug war ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaki ang papel ng mass media sa pagpapanatili ng check and balance sa mga aktibidad ng pamahalaan.

Ayon kay Andanar hindi minamasama ng Malakanyang ang pagiging kritiko ng media sa layuning mailahad sa publiko ang tunay na datus ng resulta ng walang humpay na kampanya ng gobyerno kontra sa ilegal na droga sa bansa.

Niliwanag din ni Andanar na maging ang papel ng Human Rights sa pagbabantay sa karapatan ng publiko ay nirerespeto ng Malakanyang.

Naniniwala ang Duterte administration na hindi madali ang laban kontra sa ilegal na droga.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *