Pahayag ni Defense Secretary Lorenzana na hindi kailangan ang Martial Law ginamit lang na dahilan ng oposisyon

0
lorenzana

Idinepensa ng mga Senador na kaalyado ng Malacanang si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag nitong hindi nila inirekomenda ang Martial Law sa Mindanao matapos ang pag-atake ng Maute group.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, out of context ang pahayag ng oposisyon dahil hindi nila kinumpleto ang pahayag ni lorenzana nang humarap ito sa briefing ng mga Senador noong Lunes.

Ang oposisyon ang naunang nagsiwalat na hindi inirekomenda partikular na ni Lorenza ang pagdedeklara ng Martial Law katunayang kayang kontrolin ang sitwasyon sa Marawi City.

Bagaman hindi aniya maaring isapubliko ang resulta ng military briefing, Iginiit ni Zubiri na nagpatupad ng Martial Law sa buongMindanao para matigil na ang paghahasik ng terorismo sa rehiyon.

Kung ipipilit ng oposisyon ang joint session at gagawing batayan ang pahayag ni Lorenzana, mas makabubuting dumulog na lang sila sa Korte Suprema.

Malabo nang magpatawag pa ng joint session dahil mag aadjourn ngayong araw ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Imposible na rin na magpatawag pa ng special session ang Pangulo para ipatigil na ang Martial Law lalo’t nagpapatuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi City.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *