Pahayag ni Solgen Calida na iligal ang kontrata ng TADECO at BuCor masyado pang premature

0
calida1

Premature pang maituturing ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida na iligal at walang bisa ang kontrata ngTADECO at Bureau of Corrections.

Giit ni Alex Valoria, President/CEO ng TADECO hindi pa tapos ang ginagawang pagsusuri ng DOJ sa joint venture agreement ng BuCor at TADECO.

Bukod dito,  hindi pa rin nasisimulan ng Kamara ang imbestigasyon sa nasabing kontrata.

Higit sa lahat wala pa ring naihahaing kaso sa anumang korte para sa kanselasyon ng nasabing joint venture agreement.

Binigyang diin ni Valoria na tanging ang korte lang ang makakapagdeklarang void o walang bisa ang isang kontrata.

Dagdag pa ni Valoria ilang kalihim na ng DOJ at ilang congressional investigations na ang dinaanan ng kanilang joint venture agreement pero sa huli ay napapatunayan pa rin itong balido at nakakatulong at hindi ikinalulugi ng BuCor at estado.

Tiniyak naman ni Valoria na handa ang TADECO na sagutin ang lahat ng isyu na may kinalaman dito.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *