PAL flights papuntang Dhubai, pansamantalang sususpindehin simulasa Hulyo
Nagbigay na ng advisory sa publiko ang Philippine Airlines sa kanilang mga pasahero na nakakuha ng ticket na may biyaheng Manila-Abu Dhabi at Abu Dhabi-Manila na magpa-rebook o magpa-refund.
Ayon sa PAL, magkakaroong route assestment initiative ang kumpanya simula sa Hulyo-8 kaya kailangan nilang kanselahin ang mga flight simula sa naturang petsa.
Ang route assestment initiative ay ang pag-aaral ng PAL sa ruta ng kanilang mga eroplano.
Ang PAL ay may Abu Dhabi flights na PR 656 at 657 na naka-schedule kada Martes, Huwebes at Sabado.
Sa kabila nito, hindi naman daw apektado ang mga flights ng PAL patungong Riyadh, Daman, Doha at Dubai.