Pamasahe, maaapektuhan ng jeepney phase-out – PISTON
Lalong tataas ang pamasahe kapag natuloy ang phase out ng mga lumang jeepney.
Ayon sa grupong PISTON, mga mahihirap ang karaniwang pasahero ng mga jeepney, kaya ang mga ito ang tatamaan ng fare increase.
Hindi naman naparalisa ng isinagawang kilos protesta at tigil pasada ng PISTON ang daloy ng trapiko kahapon subalit naglikha pa rin ito ng traffic.
Samantala, ang grupong Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO, hindi nakiisa sa transport caravan ng PISTON.
Pinanghahawakan nila ang pangako ni Secretary Arthur Tugade na hindi biglaan ang pagtanggal sa mga lumang jeepney at tutulungan ng gobyerno ang mga maapektuhang tsuper na bumili ng bago.