Pamilya ng convicted OFW na si Mary Jane Veloso nagmakaawa kay PBBM na palayain na ang kanilang anak

0

Nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga magulang ni Mary Jane Veloso,  na palayain  na ang kanilang anak.

Si Veloso ay anim na buwan nang nakakulong sa Correctional Institution for Women, simula nang ilipat siya ng gobyerno ng Indonesia sa Pilipinas.

Sinabi ng magulang ni Mary Jane na sina tatay Cesar at nanay Celia Veloso, na maysakit na ang kanilang anak.

Nagtataka ang mga ito kung bakit lima silang pinalaya ng Indonesian government, subalit ang apat ay diretso na nakauwi sa kanilang bahay habang si Mary Jane ay idiniretso sa kulungan.

Naniniwala naman ang legal counsel ni Mary Mane at ang Migrante International, na nasa kamay ng pangulo ang kaniyang paglaya.

Nagtataka lang ang mga ito kung bakit hindi pa nabibigyan ng clemency si Mary Jane.

Hamon ng human rights group kay PBBM, bago sana ang kaniyang ika-apat na State Of The Nation Address o SONA ay mapalaya na si Mary Jane.

Itinuturing ng grupo na isang mahalagang desisyon ng pangulo ang pagpapalaya kay Mary Jane.

Muling magpapadala ng petition letter kay PBBM ang pamilya at mga sunusuporta kay Mary Jane para igiit sa pangulo, ang pagbibigay nito ng clemency upang tuluyan nang makalaya at makapiling na ni May Jane ang mga anak at pamilya.

Eden Santos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *