Pamumugot ng ASG sa bihag na sundalo, kinondena ni ARMM Gov. Hataman
Kinondena ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang pamumugot ng Abu Sayyaf sa isa mga binihag nilang sundalo sa Sulu.
Ayon kay Hataman, hindi makatao ang ginawang pagpatay kay Staff Sergeant Anni Sirajidahil nananatiling balakid ang ginawa ng ASGpara makamit ang kapayapaansa Mindanao.
Iginiit ni Hataman na walang karapatang gamitin ng mga terorista ang itinuturo ng Islam maging ang katapangan at tinitingalang kasaysayan ng mga Muslim para sa kanilang ipinaglalaban.
