Pamumugot ng ulo ng sundalong bihag ng Abu Sayaff kinondena ng Malakanyang

0
asg2

Mariing binatikos ng Malakanyang ang ginawang pamumugot ng Abu Sayaff kay Army Staff Sergeant Anni Siriji ng 32nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa Patikul Sulu.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang barbarikong hakbang na ginawa ng mga bandido.

Ayon kay Abella hindi titigil ang tropa ng pamahalaan sa paghahabol sacmga Abu Sayaff upang mapanagot ang mga pumatay kay Sergeant Siriji.

Inihayag ni Abella na makakaasa ng tulong mula sa gobyerno ang pamilyang naulila ni Sergeant Siriji alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Si Sergeant Siriji na isang Tausug ay dating MNLF fighter na kasama sa mga naging regular members ng Armed Forces of the Philippines.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *