Pamunuan ng AFP, nanawagan sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng deklarasyon ng Martial Law sa MIndanao

0
maraw

Nanawagan ang pamunuan ng sandatahang lakas ng Pilipinas sa publiko na huwag basta-basta mag-po-post sa social media ng mga litrato o mga impormasyon na may kaugnayan sa nangyayaring pag-atake ng ISIS inspired group na Maute.

Ayon kay Col. Edgard Arevalo hepe ng Public Information Office ng AFP propaganda lamang at hindi totoo ang mga naglalabasang larawan sa social media ng Maute group.

Aniya, isang delikadong bagay din ang ginigawang ito ng ilang netizens, dahil lalo lamang nilang inilalagay sa panganib ang lugar na mayroong tensyon at kaguluhan.

Hinimok naman ni Arevalo ang publiko na manatiling kalmado subalit naka-alerto. at huwag paniwalaan ang mga impormasyon na walang validation galing sa kanilang pamunuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *