Pamunuan ng NLEX, humihirit ng dagdag singil sa toll fee

0
nlex1

Humihirit ng dagdag-singil sa Toll Regulatory Board ang pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX.

Dagdag bente siyete sentimos kada kilometro sa closed system o mula Bocaue, Bulacan hanggang Dau o Sta. Ines  sa Pampanga ang hiling ng NLEX sa TRB.

Ayon sa Manila North Tollways Corporation gusto nilang bawiin ang 2.9 billion pesos na gastos sa pagpapagawa ng lagpas limampung (50) kilometrong bagong lane mula Santa Rita hanggang San Fernando pabalik .

Sa oras na aprubahan, magiging 238 pesos na ang toll fee mula Bocaue hanggang Dau o Sta. Ines mula sa dating 218 pesos.

Ang hirit na dagdag singil ay hiwalay pa sa tatlong (3) nakatenggang petisyon na toll rate hike ng MNTC.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *