Pang. Duterte balik-Pinas na matapos ang pagbisita sa Cambodia, Hongkong at China
Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang anim (6) na araw na pagbisita sa Cambodia, Hongkong at China.
Dumating ang Pangulong Duterte sa bansa kaninang madaling araw.
Sa arrival speech ng Pangulo, partikular na ibinida nito ang magiging benepisyo ng bansa sa plano ng China na one belt, one road.
Ipinagmalaki pa ng Pangulo ang dagdag na pondo mula sa China para sa tuloy-tuloy na infrastracture projects sa bansa kasunod ng pagkikita nila ni Chinese President Xi Jinping.
Tinukoy din ng Pangulo na positibong hakbang ang itutulak na bilateral consultation mechanism ng Pilipinas at China para mapayapang maresolba ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
