Pang. Duterte bumuo na ng composite team na dedepensa sa kasong isinampa sa ICC
Haharapin ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations kaugnay sa umano’y mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, bumuo na ng composite team si Pangulong Duterte na haharap sa UN at magbibigay linaw sa periodic human rights review nito sa bansa
Sa May 8 tutulak ang composite team para harapin ang UN.
Ayon kay Cayetano, ang composite team ay pinamumunuan ni Deputy Executive Secretary Meynard Guevarra at kasama sa nasabing team si Cayetano.
Sabi ni Cayetano, simple lang ang magiging estratehiya ng tropa sa pagharap sa UN.
Una, sabihin ang katotohanan, sabihin at itama ang tunay na bilang ng mga kaso ng napapatay.
Umaasa si Cayetano na matapos ang gagawin nilang presentation ay marami ang maliliwanagan na mali ang mga fact na sinasabi ng kritiko ng war on drugs ng Duterte administration
Ulat ni : Mean Corvera