Pang. Duterte nasa Russia na
Dumating na sa Russia si Pangulong Duterte kasama ang kaniyang delegasyon.
Ang state visit ni Pangulong duterte ay batay na rin sa imbitasyon ni Russian president vladimir putin.
Layunin ng pagtungo ni Pangulong Duterte sa Russia ay para dumalo sa nakatakdang bilateral meeting kasama si Russian Prime Minister Dimitry Medvedev.
Pag uusapan din ng mga leader ng dalawang bansa ang naging kasunduan noong nakaraang APECsummit sa Lima Peru noong November 2016.
Nakatakda ring makipagkita si Pangulong Duterte sa mga Pilipinong nakatira at nagta-trabaho sa Russia.
