Panggugulo ng Maute Group, binatikos ng Estados Unidos

0

Binatikos ng Estados Unidos ang ginagawang panggugulo ng teroristang Maute Group sa Marawi City.

Nangako  ang Whitehouse na patuloy silang magbibigay ng suporta at tulong sa Pilipinas para labanan ang terorismo.

Sinabi ng US  na isang “proud ally” ng Pilipinas ang Amerika at patuloy silang makikipagtulungan para masupil ang banta sa kapayapaan at seguridad sa bansa.

Una nang naglabas ang US ng paalala ng pag-iingat sa kanilang mga mamamayan na nandito sa bansa tungkol sa sitwasyon sa Marawi.

Inalerto nito ang kanilang mga kababayan sa Pilipinas na mag-ingat at umiwas sa matataong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *