Pangulong Duterte balik Malakanyang, Nagpatawag ng command conference ng AFP at PNP

0
digs3

Matapos mamalagi sa Mindanao ng mahigit isang linggo bumalik na sa Palasyo ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pupulungin ni Pangulong Duterte ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP sa isang Command Conference sa Malakanyang.

Buhat ng umuwi sa Pilipinas galing ng Russia si Pangulong Duterte ay naglagi sa Mindanao para personal na subaybayan ang military offensive operations sa Marawi City laban sa teroristang Maute group na dahilan ng kanyang pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao.

Bibigyan si Pangulong Duterte ng mga opisyal ng AFP at PNP ng general assessment sa tinatakbo ng military offensive at clearing operations sa Marawi City.

Posibleng talakayin din sa Command Conference ng AFP at PNP ang gagawing hakbang sa NPA na nagdeklara din ng giyera sa gobyerno dahil sa proklamasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *