Pangulong Duterte hindi apektado ng misguided commentaries sa Martial Law sa Mindanao ayon sa Malakanyang

0

Tiniyak ng Malakanyang na hindi  apektado si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabing misguided commentaries o pagpuna sa Chief Executive dahil sa deklarasyon nito ng batas militar sa buong Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nananatiling pokus ang Punong Ehekutibo sa pagtugon sa banta ng terorismo sa Mindanao.

Ayon kay Abella hindi natitinag si Pangulong Duterte  sa mga batikos ng kanya ng mga kritiko na maaaring makapag dulot lang ng kaguluhan sa kanyang pagpapasiya upang masolusyunan ang  kasalukuyang gulo.

Inihayag ni Abella, desidido  ang Pangulo na mapagtagumpayan ang misyong maibalik ang kapayapaan sa buong rehiyon ng Mindanao at makabahagi  ito sa target na Nationwide development.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *