Pangulong Duterte hindi na papansinin ang puna ng kanyang mga kritiko
Hindi na papaapekto si Pangulong Rodrigo Duterte sa puna ng kanyang mga kritiko sa ginagawang pagpapatakbo sa gobyerno.
Sinabi ng Pangulo na sa loob ng limang taon na natitira sa kanyang termino ay pagtutuunan niya ng pansin ang mga reporma sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo hindi niya lulubayan ang kampanya sa ilegal na droga at katiwalian sa gobyerno.
Inihayag ng Pangulo na talagang hindi maiiwasan na punahin siya ng mga kritiko kahit maganda ang kanyang layunin dahil bahagi ito ng demokrasyang umiiral sa bansa.
Ulat ni: Vic Somintac