Pangulong Duterte hindi nasagot sa isinumiteng report sa Kongreso kung ano ang pinagbatayan ng deklarasyon niya ng Martial Law sa Mindanao

0
riza

Hindi nasagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batayan kung bakit kinakailangang isailalim sa Martial Law at suspendihin  ang Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, masyadong manipis ang ipinadalang report ng Pangulo sa Kongreso.

Paliwanag ni Hontiveros, ang buong report ay tungkol lamang sa Marawi at Lanao del Sur kung saan nagsagawa  ng operasyon sa Marawi City at hindi sa buong Mindanao.

Giit ng Senadora, kung pagbabatayan ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines, unti-unti nang naibabalik ng mga sundalo ang Marawi sa kontrol ng pamahalaan.

Kumbinsido ang senadora nasapat na ang “calling out power” ng Presidente para i-mobilisa ang sandatahang lakas upang sugpuin ang “lawless violence, “invasion” at  “rebellion” na hindi nagdedeklara ng Martial Law.

Dahil dito, maghahain si Hontiveros ng resolusyon para hilingin ang isang joint session para pag-usapan ang ulat ng Pangulo at para magampanan ng lehislatura ang kanyang “constitutional duty” na usisain ang naging batayan ng Pangulo at malimitahan ang pagpapatupad ng batas militar.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *