Pangulong Duterte walang balak makipag-usap sa Maute group
Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa Maute terror group.
Kabilin-bilinan ng Pangulo sa militar, walang rebeldeng Maute ang dapat na hayaang makalusot sa kanila.
Giit ng Pangulo, marami nang nalagas sa kaniyang mga sundalo at pulis dahil sa pag-atake ng Maute group sa Marawi City, at huli na ang lahat para pag-usapan pa ang pakikipag-ayos.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na siya makikipag-usap sa Maute kahit ano pang sabihin ng mga pinuno nito dahil iniutos na niya sa militar na dalhin sa kaniya ang ulo ng mga ito.
Una nang sinabi ng Pangulo na handa siyang makipag-usap sa Maute group para sa ikatitigil ng gulo ngunit binawi niya ito.
