Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bumisita sa Lanao del Sur

0

Binisita ni President Ferdinand Marcos, Jr., ang lalawigan ng Lanao del Sur, kung saan ininspeksiyon niya ang Temporary Learning Spaces na nasa Barangay Sagonsongan, Marawi City.

Nandito ang kasalukuyang nasa  720 learners mula sa limang paaralan na naapektuhan ng Marawi Siege.

Namahagi rin ang pangulo ng mga bag at mga school supply  sa mga learners sa TLS.

Mayroon ding ibinigay na 5 units na satellite internet constellation na magbibigay ng global mobile broadband sa Bangon Elementary School, Bacarat National High School, Angoyao National High School at Cabasaran Primary School kasama na ang TLS.

Samantala, nag-inspeksiyon din ang pangulo sa Marawi City-Dansalan Integrated School sa Brgy. Moncado Colony, at Marawi General Hospital sa Datu Naga Village.

Panghuli sa binisita ni PBBM ay ang Marawi Port sa City Hall Complex, Brgy. Fort.

Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbisita ng punong ehekutibo, kung saan nakita nito sa ginawang pag-inspeksiyon ang ang mga pangangailangan ng lalawigan.

Laura Pobadora

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *