Pangunahing serbisyo ng PRC nasa Robinson malls na

0
prc

Ilalapit na ng Professional Regulation Commission ang kanilang mga pagunahing serbisyo sa publiko, sa pamamagitan ng PRC service centers na matatagpuan sa mga piling Robinsons malls sa buong bansa.

Ang PRC ay isang ahenisya sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Labor and Employment.

Kaugnay nito, inanyayahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga kliyente ng PRC, partikular ang mga rehistradong propesyonal at mga aplikante ng licensure examination, na bisitahin ang alinmang service center para sa kanilang transaksiyon.

Kabilang ditto ang aplikasyon para sa licensure examination, pag-renew ng professional identification card; pag-isyu ng kopya ng professional identification card; at pag-sertipika ng professional identification card, board certificate, at board rating.

Ang offsite service centers na itinatag ng PRC ay matatagpuan sa mga Robinsons mall sa Santiago City, Isabela; Ermita, Manila; Ortigas Center, Quezon City; Cebu City, Cebu; Iloilo City, Iloilo; Bacolod, Negros Occidental; Dumaguete, Negros Oriental; Butuan City, Agusan del Norte; General Santos City, at South Cotabato.

Matatagpuan sa lingkod pinoy centers ng Robinsons malls.

Bukas ang PRC service centers Lunes hanggang Biyernes, 10:00 n.u. hanggang 6:00 n.g.

Ulat ni: Liza Flores

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *