Panibagong Bagyo papalapit na sa bansa – PAGASA
Napanatili ng bagyong papalapit sa Pilipinas ang taglay nitong lakas, habang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, anumang oras inaasahang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ang nasabing sama ng panahon.
Bibigyan ito ng local name na “Dante” ng PAGASA at maaaring umakyat sa tropical storm category.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,300 km sa Silangan ng Visayas.
Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.
Kumikilos ito nang Pakanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 11 kph.