Panibagong oil price increase, asahan bukas
Nakaamba na naman ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo matapos ang sunod na dalawang linggong nagkaroon ng rollback.
Ayon sa mga energy sources, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa diesel.
Mas mataas naman ang umento ng kerosene na aabot sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro.
Karaniwang ipinatutupad ang price adjustment sa araw ng Martes.