Panibagong oil price rollback, ipinatupad ngayong araw

0
oil

Muling nag rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy, nagtapyas ang Flying V ng 70 sentimos sa kada litro ng Gasolina, 10 sentimos sa Diesel at 15 sentimos sa Kerosene, simula  kaninang hauinggabi.

Alas sais naman ng umaga nagpatupad ng rollback ang Pilipinas Shell, Petron, PTT, Total, Chevron, Jetti, Clean Fuel at Phoenix Petroleum.

Ang panibagong bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *