Panukala para sa tamang impormasyon sa mga billing statement isinulong sa Kamara

0
batocabe

Isinusulong ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang pagpasa ng truth-in-billing legislative measure.

Ito’y para maprotektahan ang consumers mula sa kumplikado at misleading na mga bayarin sa kanilang billing statements.

Inihain ni Batocabe ang House Bill 818 para obligahin ang lahat ng utility providers na ibunyag ang lahat ng charges sa bayarin sa tubig, kuryente, telepono at i ba pa.

Layon nitong ma-institutionalize ang refund kapag merong hindi makatuwirang koleksyon at mapanagot ang mga kumpanya sa pagsasamantala sa consumers.

Ginawa ng kongresista ang hakbang dahil sa patuloy na mga reklamo tungkol sa umano’y pandaraya ng utility providers sa pagpapataw ng charges sa pamamagitan ng buwis at miscellaneous fees sa kanilang billing statements.

Sa ilalim ng panukala, hindi lamang ipagbabawal ang insertion ng unnecessary fees sa halip titiyakin ding tama, komprehensibo at malinaw ang presentasyon ng mga bayarin sa serbisyo.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *