Panukalang justice at large na magpapabilis sa pag-usad ng mga kaso sa mga korte inindorso na sa plenaryo ng senado

0
sen-angara-nanawagan-sa-deped-na-380x280

Isinalang na sa approval sa plenaryo ng senado ang panukalang batas na bubuo ng judges at large position sa mga mababang korte na layong pabilisin ang paglalabas ng mga resolusyon sa kaso.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, isa sa mga principal author ng panukala, maraming nakakulong dahil sa maliliit at mahihinang kaso pero napipilitang maghintay ng kanilang hatol dahil sa kakulangan ng mga judges.

Katunayan, sa datos aniya ng national statistical coordination board mula 2005 hanggang 2010, umaabot sa 1, 059, 484 ang naisasampang kaso sa mga lower courts taon-taon.

Kung maipapasa ang panukala, ang mga judges at large ay itatalaga ng Supreme Court sa mga municipal at mga regional trial courts para tumulong sa mga acting judges at madesisyunan na ang mga nakapending na kaso.

Sa pagpapatibay ng panukala, inaasahang mababawasan ng hanggang apatnalibo kada araw ang mga nakapending na kaso.

“this translates to over 4,000 cases per working day. clearly such workload is impossible for the courts and its workers to handle, leading to a blatant affront on every person’s constitutional right to the speedy disposition of their cases,”

Tulad ng isang municipal o RTC judge, ang mga judges at large ay bibigyan rin ng kaparehong sweldo, allowance, benepisyo at iba pang pribelehiyo bukod pa sa kanilang displacement at transportation allowance.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *