Panukalang work from home aprubado na sa Senado

0
tele

Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang Telecommuting Act o Work from Home Program.

Dalawamput dalawang Senador ang pumabor sa Senate Bill 1363 na inakda nina Senadora Cynthia Villar at Joel Villanueva na layong hikayatin ang mga kumpanya na payagan ang kanilang mga empleyado na magtrabaho sa bahay para maibsan ang  matinding traffic lalo na sa Metro Manila.

Sa ilalim ng panukala, ginagarantiyahan na rin ang kaparatan ng mga home based worker sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na sweldo, benepisyo at promotions.

Pero hindi naman magiging mandatory ang batas sa lahat ng kumpanya.

Paglilinaw ng mga author ng panukala, binibigyan lang ng options ang mga employers lalo na ang mga nasa telecommunications technologies kabilang na ang mga call center para hindi maipit sa matinding traffic ang kanilang mga empleyado lalo na kapag rush hour.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *