Partylist Coalition tutol sa Tax Reform Bill ng Duterte administration

0
partylist coalition

Nakahanda ang Partylist Coalition na salungatin ang panukalang reporma sa pagbubuwis.

Sinabi ni House Committee on Cooperatives Development Chairman Rico Geron, tututulan ng Partylist Coalition na binubuo ng 47 kongresista ang tax reform package ng Duterte administration sakaling ituloy ang pagtatanggal ng value-added tax (VAT) sa mga kooperatiba.

Iginiit ni Geron na dapat magkaroon ng kompromiso sa tax reform bill at tanggalin dito ang probisyon na nag-aalis ng VAT exemptions ng mga cooperatives.

Sa halip aniya na tanggalan ng VAT, mas nararapat aniyang tutukan na lamang ang tax leak kung ito ang nakikitang problema sa sektor ng mga kooperatiba.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *