Pasok sa tanggapan ng QC Hall bukas, July 25, half-day lang

295853718_437444905169451_1849290611363271021_n

Hanggang alas dose (12:00NN) lamang ng tanghali bukas, July 25 ang pasok sa mga tanggapan sa Quezon City hall bukas, July 25, 2022.

Ito ay bilang alternative work arrangement kasabay ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management.

Kanselado rin ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa lungsod dahil sa SONA.