PBBM nagbabalang sisibakin ang DPWH officials kaugnay ng rehabilitasyon ng San Juanico bridge

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na dapat ay maraanan na ng mga sasakyang hanggang 12 tonelada ang bigat, ang San Juanico bridge sa Disyembre.
Sa kaniyang poadcast ay nagbabala ang pangulo na tatanggapin niya ang resignation ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Secretary Manuel Bonoan, kung hindi masusunod ang kaniyang utos.
Nais ng pangulo na bago matapos ang taong ito ay magamit na ng mga sasakyan na hanggang 12 tonelada ang bigat, ang San Juanico bridge.
Binigyang-diin ng presidente, na malaking problema ang tumatawid ng balikan mula Samar patungong Leyte, na bawat araw ay umaabot sa 1,400 trak.
Sa kasalukuan ay mga privadong sasakyan pa lang ang pinapayagang dumaan sa nasabing tulay, dahil sa patuloy na pagkukumpuni sa iba’t ibang segment ng San Juanico.
Sinabi ng pangulo na talagang marami na ang dumaraing sa perwisyong dala ng rehabilitasyon ng tulay.
Inihalimbawa ng pangulo ang nagde-deliver ng mga gulay na sa tagal ng paghihintay ay tumubo na ang mga patatas.
Nauubusan na rin ng supply ng pagkain at tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Ayon sa pangulo, “Ang schedule namin, dapat by December, before the end of the year, ay pwede nang gamitin ng sasakyan hanggang 12 tons. That’s a test. Sabi ko, pag hindi nyo natapos yan, tatanggapin ko yung resignation nyo.”
Eden Santos