PCG inalerto ang mga tauhan nito sa Mindanao kasunod ng Martial Law declaration

0
pcg

Inalerto na ng Philippine Coast Guard ang mga tauhan nito sa buong Mindanao makaraang ideklara ang Martial Law doon.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo bukod sa kanilang mga tauhan mas hinigpitan pa ang kanilang pagbabantay sa mga pantalan sa buong Mindanao.

Kaugnay naman nito tumulak na patungong Mindanao ang tatlong barko ng Philippine Coast Guard.

Ito ay ang Brp Malabrigo, Brp Tubbataha at Brp Batangas na umalis para magdala ng relief goods.

Nakahanda rin sila na maghatid ng tulong medikal sa mga apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Dalawang medical teams ng PCG ang idedeploy sa naturang lugar.

Tutulong din ang Coast Guard sa Maritime Security operations ng Armed Forces of the Philippines.

Hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye ang PCG ukol dito dahil sa operational security.

 Ulat ni:  Jerold Tagbo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *