Petsa ng school opening sa Marawi City, iuurong ng DEPED
Inanunsyo na ni Education Secretary Leonor Briones na mauusog ang pasukan sa Marawi City dahil sa nagaganap na digmaan.
Dinisisyunan ito ng Regional Directors at Division Superintendents ng Department of Education sa isang pagpupulong sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Briones sinuportahan ng National Security Council ang naging desisyon ng mga opisyal ng DEPED.
Dagdag pa ni Briones bibisitahin ng mga opisyal ng DEPED ang mga evacuation site para magsagawa ng temporary classes sa mga studyante na hindi pa makakapasok.
Magpapadala rin ang DEPED ng mga school supply.
Samantala, paplanuhin at dedesisyunan pa ng mga opisyal kung saan magsasagawa ng mga pagkaklase at kung maaring gamitin ang mga evacuation site.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo