Pilipinas at India, nagkasundong palalakasin ang military-to-military engagements
Nagkasundo ang Pilipinas at India, na pasukin ang Army Level Terms of Reference, na naglalayong palakasin ang military-to-military engagements.
Ang kasunduan ay nabuo sa isinagawang virtual talk sa pagitan nina Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino at bagong talagang Defense Attaché ng India sa Pilipinas na si Capt. Saikat Chatterjee, na ngayon ay nakabase sa Singapore.
Kasama sa tinalakay sa kanilang pag-uusap ang importansiya ng India bilang vital partner ng Pilipinas sa Asya, kaugnay ng army capability development at modernization.
Ayon kay Centino . . . “The Philippine Army is committed to expanding and increasing engagements with India through education, training and other bilateral exercises to attain the full potential of our partnership with India’s defense forces. These iniatives will surely help foster closer military relations between our countries.”
Lubos namang nagpasalamat si Chatterjee kay Gen. Centino, sa mainit nitong pagtanggap sa kaniyang tawag.
Samantala, tiniyak ni Chatterjee ang kaniyang commitment para sa mas maigting na military relationship ng India at Pilipinas.